Panibagong oil price rollback, epektibo na bukas!

May rollback na naman sa presyo ng mga produktong petrolyo, epektibo bukas.

Sampung sentimong tapyas sa kada litro ng gasolina ang ipatutupad ng Petron, Shell, Petro Gazz at Phoenix Petroleum habang P0.25 sa diesel.

May P0.10 bawas-presyo rin sa kerosene ang Petron at Shell.


Habang nauna nang nagpatupad kahapon ng kaparehong bawas-presyo ang Cleanfuel.

Samantala, ang palitan ng piso kontra dolyar = P51.

Facebook Comments