Ginang, Patay matapos Tumalon mula sa Umaandar na Sasakyan!

1499

*Cauayan City, Isabela- *Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang Ginang matapos na tumalon mula sa isang pampasaherong jitney partikular sa Sitio Namacalan, Barangay Casala, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Amelita Etchore, 56 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. Casala, San Mariano, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na pasado alas syete kagabi habang binabaybay ng biktima ang daan lulan ang isang pampasaherong jitney na minamaneho ni Rey Ventura, nasa hustong gulang, may-asawa, residente rin ng Brgy. Casala ng nasabing bayan ay bigla umanong nagkaroon ng mechanical defect ang sasakyan kaya’t patuloy itong dumausdos sa pababang bahagi ng daan.

Dahil dito ay tumalon umano mula sa sasakyan ang biktima subalit nang bumagsak ito sa daan ay tumama ang kanyang ulo sa isang bato.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklara rin itong dead on arrival (DOA) ng kanyang attending physician.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente habang pinaghahanap naman ang suspek na tumakas matapos ang nasabing pangyayari.

Facebook Comments

From Advertisers