Ginang, Patay nang Malunod sa Ilog!

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang isang Ginang na pinaniniwalaang nalunod sa Cagayan river ng Brgy. Bacradal, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Imelda Acosta, 41 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Bacradal, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), lumabas sa imbestigasyon ng PNP Echague base na rin sa naging pahayag ng anak ng biktima na habang pauwi ang mag-ina galing sa Brgy. Pangal Norte ng nasabing bayan nitong ika-pito ng Agosto ay sinubukan umano nilang lumangoy upang makatawid sa ilog.


Habang nasa kalagitnaan na ng ilog ang biktima ay bigla na lamang itong nawala.

Sinubukan pa umanong hanapin ng anak ang kanyang nanay subalit hindi na nito nakita.

Dinala na sa isang punerarya ang bangkay ng biktima para sa autopsy.

Facebook Comments