Thai beauty queen na tumawag kay Catriona Gray na ‘fat’, nagsampa ng kasong cyberbullying

via Coco Arayha

Naghain ng kasong cyberbullying ang Thai beauty queen sa tatlong netizen dahil sa ‘nakakasakit’ na komento ng mga ito kaugnay ng pagtawag niya kay Miss Universe 2018 Catriona Gray na “fat” o mataba.

Ayon kay Coco Arayha Suparurk, Miss Grand Thailand 2019, nagdusa siya nang matagal dahil sa social media bashers kabilang na rito ang mapanirang puri ng tatlong internet user.

Humingi naman ng paumanhin ang dalawang inakusahan bago matapos ang press conference ni Coco na ginanap sa Bangkaew Police Station sa Samut Prakan, Thailand.


Matatandaan na nagbahagi si Coco ng “body shame” Instagram story kung saan pinagkumpara ang pangangatawan nina Catriona at Miss Grand International 2018 Clara Sosa na umani ng batikos sa mga netizen.

Sa isang TV appearance nitong Hulyo, sinabi ni Coco na hihingi lamang siya ng paumnahin kay Catriona kung direkta siyang imemensahe nito.

Kandidata naman si Coco sa Miss Grand International pageant na gaganapin sa Venezuela sa darating na Oktubre 25.

Facebook Comments