Ginang, Patay ng Mabangga ng Motorsiklo sa San Mariano, Isabela

92

*Cauayan City, Isabela*- Binawian ng buhay ang isang ginang matapos mabangga ng isang motorsiklo pasado 6:40 kagabi sa pambansnag lansangan ng Casisiitan, Brgy. Minanga, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rosalinda Pacis, 38 anyos, may asawa habang ang sugatang suspek ay nakilalang si Elmer Domingo at kapwa mga residente ng Brgy, Alibadabad, San Mariano, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng San Mariano Police Station, binabagtas ng biktima ang daan patungo sa direksyon bahagi ng Alibadabad ng paparating naman ang isa pang motorsiklo sa salungat na bahagi ng daan ng mabangga nito ang ginang lulan din ng isang motorsiklo.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima pero idineklarang dead on arrival ang ginang matapos magtamo ng matinding tama sa kanyang katawan.

Sasampahan naman ng kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide, Physical Injury and Damage to Property ang suspek.

Facebook Comments