Mga pampasaherong jeep galing Antipolo at Padilla nag cutting trip, mga pasahero stranded

143

Dismayado ang mga pasaherong sumasakay galing Padilla at Antipolo dahil sa ginagawang pag cutting trip ng mga pampasaherong jeep na biyaheng Padilla at Antipolo.

Sa halip na dumiretso sa Cubao ang kanilang mga biyahe, ibinababa nila sa Ligaya ang lahat ng kanilang mga pasahero kaya marami ngayon nai-stranded na mga pasahero sa Ligaya.


Matagal ng ginagawa ang pag cutting trip ng mga pampasaherong jeep na biyaheng Padilla at Antipolo pero wala pa ring ginagawang aksyon ang LTFRB at LTO upang pag aarestuhin at tanggalan ng lisensiya ang mga driver na nag cutting trip.

Umapila sa pamunuan ng LTO at LTFRB ang mga commuter na sumasakay papuntang Cubao galing Antipolo at Padilla na gawan kaagad nila ng kaukulang aksyon dahil marami ng mga pasahero sa Ligaya ang nai-stranded.

Facebook Comments