Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang singkwentay dos anyos na ginang sa ikinasang search warrant implementation sa tahanan nito sa bayan ng Bayambang.
Nakilala ang suspek na si Estela Gallardo residente ng Brgy. San Gabriel 1st sa nasabing bayan.
Ikinasa ang Search Warrant sa tahanan nito pasado alas tres ng hapon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng anim na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng nasa 1.8 grams at nagkakahalaga ng mahigit sa labing dalawang libong piso.
Paglabag sa RA 9165 ang kakaharapin ng nasabing suspek. |ifmnews
Facebook Comments