Maintenance activity sa online accreditation, isasagawa ng Department of Tourism ngayong araw

Nakatakdang magsagawa ng maintenance activity ang Department of Tourism (DOT) para sa kanilang online accreditation program ngayong araw, May 19.

Ayon sa DOT, ito’y dahil sa pagsasaayos ng kanilang database upang makapaghatid nang mas maayos at mas mabilis na serbisyo sa mga nais magpa-accredit ng kanilang negosyo sa DOT.

Tatagal ang naturang maintenance activity hanggang alas-11:59 mamayang gabi.


Samantala, nakahanda namang umagapay ang regional offices ng DOT upang magsagawa ng manual accreditation sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, kung kaya humingi ng pang-unawa ang ahensya dahil sa naturang maintenance activity.

Facebook Comments