Ginang sa NoCot, nasagasaan, patay!

19

Patay ang isang 40 anyos na ginang sa bayan ng Pikit sa lalawigan ng Cotabato makaraang mabundol ng motorsiklo.
Sinabi ni Pikit Municipal Police Station Chief Police Chief. Insp. Rommy Castanares, matulin ang takbo ng motorsiklo na minamaneho ng isang Samer Ibrahim, 18 anyos, kaya dire-diretso at nasagasaan nito ang tumatawid na Ginang bagamat sinubukan anya ng driver na magpreno pero hindi ito gumana.
Ayon pa kay Chief Insp. Castanares, naisugod pa sa pagamutan ang Ginang na kinilalang Sargina Balaag Mona Kiram, residente ng Poblacion Pikit, ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor dahil sa malubhang pinsala na natamo nito sa kanyang katawan mula sa pagkakabundol.
Samantala, nasa pagamutan din ang driver ng motorsiklo at ang backrider nito na si Hashim Ibrahim dahil sa mga tinamong sugat ng mga ito.

Facebook Comments