Ginang sa South Carolina, nasungkit ang record sa pinakamaraming collection ng teddy bears sa buong mundo

59

Amerika – Isang babae sa South Carolina ang may hawak ngayon ng Guinness World Record dahil sa dami ng mga koleksiyon nito ng teddy bear.

Sinasabing nasa 8,026 na teddy bears ang hawak ni Jackie Miley na nabili niya mula sa iba’t-ibang estado ng Amerika at dalawampu’t siyam naman sa ibang bansa.


Taong 2000 nang simulan ng ginang ang pangongolekta ng mga nasabing stuff toys kung saan ang una niyang teddy bear ay pinangalanan niyang “Grandma Jackie.”

Kabilang sa mga collection ni Jackie ay ang pinakamaliit na teddy bear na may taas na ¾ inches at ang pinakamalaki ay nasa walong talamapakan.

Facebook Comments

From Advertisers