Ginang, tumutol nang tanggalin ang Halloween decor sa puntod ng anak

796
(Photo: Christina Wohle Facebook)

Nagpasubali ang isang ginang sa mga opisyal ng sementeryo kung saan naroon ang puntod ng anak sa New Hampshire, United States, matapos umanong tanggalin ang kakaibang Halloween decor na inilagay niya.

Isang pekeng skeleton props na nakasuot ng cowboy hat kasi na mistulang nakahiga sa puntod ng anak ang inilagay niya bilang dekorasyon umano para sa Halloween.


Sa ibinahaging post ni Christina Wohle, iginiit niyang napapagod siya sa pagbabalik ng dekorasyon dahil paulit-ulit daw itong tinatanggal ng mga naturang opisyal.

“I getting tired of Cole’s Halloween decorations being removed!” aniya sa kanyang post noong Oct.22.

Para kay Wohle, nais lang raw niyang maging “a little fun with death” ang puntod ng anak.

Wala rin siyang nakikitang mali sa kanyang ginawa dahil wala naman damo at hindi ito umano magiging hadlang sa mga dumaraan.



“There isn’t anything in the cemetery regulations prohibiting [the decorations], as there shouldn’t be,” giit pa ng ginang.


Ibinahagi naman ni Wohle na natagpuan niya sa likod ng isang lapida ang pekeng buto.

Para sa chairman na si Polly Freese, may karapatan sila na tanggalin ang kahit anong dekorasyon na hindi nararapat ilagay sa kanilang sementeryo.

Paglilinaw pa nito, nadadaanan raw kasi ang inilagay na skeleton ng ginang.

Wala rin daw silang kahit anong obligasyon para makiusap kay Wohle.

Samantala, ibinahagi naman ng ginang na taong 2016 nang mamatay ang anak dahil sa heart attack matapos ang isang rodeo competition.

Sabi niya, “Sometimes you have to laugh, because there is so much to cry over.”

Facebook Comments