Ginawang mass testing, nakatulong sa mataas na COVID-19 recovery rate ng mga pulis

PNP Photo

Tumaas ang COVID-19 recovery rate ng Philippine National Police (PNP) matapos ang isinagawang mass testing.

Ito ang iniulat ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa na patunay na ang mass testing ay mahalagang gawin sa kampanya kontra COVID-19.

Aniya, lahat ng mga pulis na naka-duty sa frontline ay isinalang sa testing kaya agad na natukoy ang mga positibo, hiniwalay at maagang nagamot.


Sa report ni PNP Health Service Director Brigadier General Herminio Tadeo Jr., 50.86% ang recovery rate ng PNP.

Mula sa 346 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa PNP ay 176 na ang nakarekober.

Dalawa na lamang ang naka-admit sa ospital, 16 ang sumasailalim sa home quarantine habang 148 ang nananatili sa mga PNP quarantine facility.

Facebook Comments