Manila, Philippines – Hiniling ni Deputy Speaker Gwen Garcia na imbestigahan ng Kamara ang ginawang operasyon sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center kung saan pinaghubad ang mga inmates.
Kasabay nito ay umalma si Garcia sa pagpapahubad sa mga preso matapos galugarin ang detensyon para sa naiulat na mga kontrabando.
Ayon sa Deputy Speaker, nakitaan ng Amnesty International at iba pang human rights groups nang paglabag sa karapatang pantao ang nangyaring raid.
Isinisi naman nito ang isyu kay incumbent Cebu Gov. Hilario Davide matapos mapayagan ang ganitong operasyon na pagpapahiya sa mga preso.
Naunang nag-trending sa social media ang larawan ng mga hubad na inmates na umani ng batikos mula sa netizens.
Itinanggi naman ng regional director ng PDEA ang akusasyon ng pag-abuso at iginiit na naghubad ang mga preso sa loob ng kanilang detention cells bago lumabas sa jail quadrangle.
Facebook Comments