Ginawang pang-aagaw ng Kadamay, maganda pa ang naging epekto ayon kay PCUP Chairman Terry Ridon

18

Manila, Philippines – Naniniwala si Presidential Commission for the Urban Poor Chairman Terry Ridon na wake-up call sa pamahalaan ang ginawang pangaagaw ng grupong Kadamay sa mga pabahay ng pamahalaan na para sa sana sa mga pulis at sundalo.

Ayon kay Ridon, dahil sa nangyari ay magigising ang mga opisyal ng pamahalaan para gumawa ng mga solusyon sa mga problemang binabalikat ng housing sector ng bansa.

Sinabi ni Ridon, nagpapasalamat pa ang ilang ahensiya ng pamahalaan dahil lumabas ang katotohanang mayrong mga pabahay na walang nakatira sa kabila ng katotohanang maraming Pilipino ang walang bahay.

Naniniwala din naman si Ridon na hindi gagawin ng iba pang urban poor ang ginawa ng Kadamay na mang-agaw ng mga pabahay ng iba.

Facebook Comments