Shoplifter na naaresto sa bayan ng Roxas, Isabela – sinampahan na ng kaso

44

Isabela, Philippines – Sinampahan na ng kasong pagnanakaw ang isang ginang ng tahanan na nahuliang nagnakaw sa isang malaking pamilihan sa bayan ng Roxas, Isabela kahapon.

Matatandaan na inaresto ng security guard na si Ryan Adsuara, bente siyete anyos, ang suspek na si Anselma Gibon, kwarenta anyos ng Bagong Silang Caloocan City.

Nakuha sa suspek ang dalawang lata ng gatas at cologne na nagkakahalaga ng 4,081 pesos.

Ayon sa ulat, lumabas ang suspek na hindi binayaran ang kaniyang kinuhang item, agad itong ipinasakamay sa himpilan ng pulisya at sinampahan ng kaso.
Nation

Facebook Comments