GINISA | Mga opisyal ng BFAR, sinermonan ni Senador Cynthia sa budget hearing ng DA

Manila, Philippines – Nasermonan at Ginigisa ng husto ni Senador Cynthia Villar ang mga opisyal ng Bureau of Fishery and Aquatic Resources o BFAR sa Budget Hearing ng Department of Agriculture.

Sa pagharap ng mga opisyal ng BFAR sa pagdinig ng DA Budget sinabi ni Senate Committee of Agriculture and Food Chairman Cynthia Villar na dapat kabisado na nila ang pagpapatakbo ng ahensiya dahil mahigit dalawang dekada ng nanungkulan ang mga opisyal ng BFAR kayat nagtataka ang Senadora kung saan napupunta ang pondong ibinigay sa ahensiya.

Dagdag pa ni Villar dapat maipaliwanag ng detalyado ng mga opisyal ng BFAR kung saan napupunta ang pondo na 3 bilyong piso na kanilang ginamit sa Aqua Culture, Post-harvest, processing storage, at Market Development sa 16 na Region partikular sa Region 1, 3,at 4-A.


Hindi masagot-sagot ng mga opisyal ng BFAR ng tanungin ni Villar kung magkano ang penalty ang nakulekta at kung saan dinala ang penalty na kanilang nakolekta.

Hindi rin kumbinsido ang Senadora sa mga paliwanag ng mga opisyal ng BFAR dahil hindi sila handa sa ginawang pagdinig ng DA Budget sa Senado.

Facebook Comments