NANUMPA | Dating Senador Lito Lapid, nanumpa kay Senate President Tito Sotto bilang NPC

Manila, Philippines – Nanumpa na si dating Senador Lito Lapid at anak nitong si Mark Lapid sa harap ni Senate President Vicente Tito Sotto III bilang miyembro ng Nationalist Peoples Coalition.

Sa ipinadalang litrato ni Senate President Sotto, kitang nanunumpa ang mag-amang Lapid sa harap ng Senador bilang miyembro ng NPC na tatakbo sa nalalapit na halalan.

Tatakbo sa ilalim ng NPC si Lito Lapid bilang kandiato sa pagka-Senador.


Kinumpirma naman ni Sotto na tatakbong Mayor naman ng Porac Pampanga si Mark Lapid.

Magugunita na naunang kinumpirma ni Sotto na tatakbo sa susunod na halalan si dating Senador Lapid dahil tiwala ang NPC sa kakayahan ng dating Senador sa larangan ng pulitika.

Facebook Comments