Switzerland – Hindi pa din makapaniwala ang mga scientist sa nasabing bansa matapos silang makadikubre ng mga ginto at pilak sa mga sewer.
Sa ginawang pag-aaral ng mga environmental chemist, aabot sa 1.5 million Swiss francs (P79,281,534.00) na halaga ng mga iba’t-iban uri ng gamit na yari sa ginto’t pilak ang kanilang nakukuha sa mga wastewater treatment plants.
Bukod dito, nakakuha ndin sila ng rare earth metals tulad ng gadolinium at heavy metal na niobium.
Sa ngayon, makikita ang kanilang mga nakolekta sa museum ng Swiss Federal Institute of Aquatic Science and Technology na matatagpuan sa Dubendorf.
Facebook Comments