Hindi lang ang bayan ng Bugallon kundi ang buong Pangasinan ang lubos na nagbunyi at ipinagmamalaki si Alaia Elizabeth P. Sinsuan. Ito ay matapos niyang masungkit ang kampeonato sa prestihiyosong Asia All Stars Festival na ginaap sa South Korea nitong Hulyo 10, 2025.
Si Alaia, kasama ang kanyang grupo, ay nagpakitang-gilas sa entablado at nag-uwi ng iba’t ibang parangal: isang Gold Medal, ang Overall 2nd Runner-Up award, at ang pinakamataas na iskor sa Group Dance Category. Talagang naging tampok ang kanilang husay.
Ngunit hindi rito nagtatapos ang ipinakitang galing ni Alaia. Matatandaang noong nakaraang taon, bahagi rin siya ng Team Philippines na lumahok sa Youth Educational Friendship Festival 2024 na idinaos sa Hong Kong, kung saan nakuha nila ang respetadong 1st runner-up.
Malinaw na patunay si Alaia Sinsuan na ang talento ay hindi nasusukat sa edad. Sa kabila ng kanyang murang gulang, kaya na niyang makipagsabayan at humakot ng tagumpay sa mas malalaking patimpalak.
Mabuhay at Pagbati, Alaia Elizabeth P. Sinsuan! Ipagpatuloy mo ang pagbibigay inspirasyon! | ifmnewsdagupan









