Cauayan City, Isabela- Nilagdaan ang kasunduan sa pagitan ng DOLE, DA at DICT para sa implementasyon ng Government Internship Program nitong martes, Abril 19,2022.
Labing-apat ang ibibigay na intern ng DOLE para sa DA kung saan maitatalaga ang anim (6) sa Cagayan, pito (7) sa Isabela at isa (1) sa Nueva Vizcaya habang sa DICT naman ay labing-siyam kung saan naman anim (6) ang ilalagay sa Cagayan at labing-tatlo (13) sa Isabela.
Ang mga GIP beneficiaries ay maglalaan ng tatlo hanggang anim na buwan na serbisyo sa mga nabanggit na ahensya ng pamahalaan kalakip ang pagbibigay ng sahod mula sa DOLE at P5,000 pesos na transportation allowance ang ibibigay ng DA.
Facebook Comments