Girian ng mga kongresista, posibleng magdulot ng atrasadong pagpasa sa proposed 2021 national budget

Hindi inaalis ni Senate President Tito Sotto III ang posibilidad na ang girian ng mga kongresista ay maging sanhi para madelay ang pagpasa sa panukalang 2021 national budget.

Maging si Senate Minority Leader Franklin Drilon ay nangangamba rin na makaapekto sa kanilang timelime o kalendaryo para sa pagpasa ng pambansang budget sa susunod na taon ang iringan sa Mababang Kapulungan.

Umaasa naman si Drilon na hindi ito mangyayari lalo’t nasa gitna tayo ng pandemya kung saan napakaraming nawalan ng hanapbuhay.


Giit ni Drilon, mahalaga na maipasa nila ang proposed budget bago matapos ang taon dahil ito ang magbibigay ng spending authority sa gobyerno na kailangan sa pagbangon ng ating ekonomya.

Ikinakalungkot naman ni Senator Panfilo Lacson na naisasantabi ang statemanship ng mga kongresista dahil sa hinalang hindi pagkakasundo sa paglalaan ng lump sum o mga pork barrel na nakasiksik sa panukalang pambansang budget.

Facebook Comments