GIRL POWER | Spice Girls, nagpa-plano ng reunion concert bilang pagsuporta sa mga babaeng biktima ng sexual harassment sa Hollywood

London – Isang reunion concert ang pinaplano ngayon ng sikat na 90’s girl group na Spice Girls.

Ito ay matapos ibunyag ng grupo ang muling pagsasama-sama nila kung saan nararapat lamang na muli silang mabuo para maipakita ang lakas ng mga kababaihan lalo na’t dumarami ang mga biktima ng sexual harassment sa Hollywood.

Ang Spice Girls ay nabuo noong 1994 sa London na ito ay kinabibilangan nina Melanie Brown, Emma Bunton, Geri Halliwell, Victoria Beckham at Melanie Chilsholm.


Ilan sa mga sikat nilang awitin ay ang Wannabe, 2 Become 1, Viva Forever at maraming iba pa.

Matatandaan na huling nag-perform ang Spice Grils noong 2012 London Olympics.

Facebook Comments