Maituturing na ‘true legacy’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya laban sa ilegal na droga.
Ito ang sinabi ng Malacañang bago ibigay ng pangulo ang kanyang huling State of the Nation Address sa susunod na linggo, July 26.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, natupad ng pangulo ang kanyang pangako na mananalo ang bansa sa laban nito laban sa ilegal na droga.
Hindi sinang-ayunan ni Roque ang ilang analyst na ang drug war ang programa ng administrasyon ang tanging maaalala dahil sa human rights violations.
Aniya, ang drug war ay isa sa dahilan kung bakit patuloy na mataas ang trust at satisfaction ratings ng pangulo.
Batay sa #RealNumbersPH mula nitong May 31, 2021, aabot na sa 6,147 individuals ang namatay sa anti-drug operations.
Facebook Comments