Manila, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging mas madugo pa ang giyera ng pamahalaan laban sa iligal na droga sa bansa.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang pangunguna sa Ceremonial Signing ng Universal Healthcare act at presentasyon ng iba pang mga naipasang batas sa Malacañang ay sinabi ng Pangulo na mas magandang huminto nalang ang mga sindikato ng pagpapakalat ng iligal na droga lalo na sa Visayas region habang siya pa ang nakaupong Pangulo ng bansa.
Sinabi pa ng Pangulo na pagkatapos ng kanyang termino ay saka lang maaaring maglaro ang mga sindikato ng iligal na droga.
Kaya naman pinayuhan din ni Pangulong Duterte ang kilalang drug lord ng Visayas Region na si Peter Lim na magbikti nalang o magpalamatay nalang at huwag itong susuko sa kanya ng buhay.
Binigyang diin pa ng Pangulo na hindi maaaring maliitin ng mga sindikato ang pagmamahal sa bayan ng mga sundalo kaya tiyak na magiging madugo ang paglaban ng Pamahalaan sa iligal na droga.