Giyera sa lungsod ng Marawi, tapos na!

Manila, Philippines – Tapos ng ang gyera sa lungsod ng Marawi , ito ang sinabi ni AFP public Affairs Office Chief Marine Col Edgard Arevalo.

Aniya ang dahil patay na ang mga lider ng Maute Fighters at wala na silang organizational structure kaya maikokonsidera ng tapos na ang giyera sa lungsod.

Sinabi ni Arevalo sa ngayon ay patago tago na lamang ang mga natitirang tauhan ng maute at ang iba ay humahalo sa mga naililigtas na hostages.


Batay sa datos ng AFP hanggang kahapon, umaabot na sa 897 ang napapatay na mga miyembro ng maute isis group, 164 na mga sundalo at pulis ang nagbuwis ng buhay at 47 sibilyan ang pinatay ng mga terorista.

Facebook Comments