Manila, Philippines – Malabo pang matapos sa mga susunod na araw ang giyera sa Marawi City.
Ito ang sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año sa kabila nang nauna nang pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na bago ang SONA nang pangulo ay sisikapin nilang matapos ang gulo sa Marawi City.
Paliwanag ni Gen. Año mahirap magbigay ng deadline sa mga ganitong sitwasyon kung saan aniya habang tumatagal ay mas nagiging kumplikado ang operasyon ng tropa sa Marawi.
Aniya ang nangyayari ngayon ay building by building, house to house at floor to floor ang paggalugad na ginagawa ng tropa ng militar.
Hindi raw kasi maaring may malampasang isa man lamang na gusali o bahay dahil baka may presenya ito ng terorista.
Sa ganitong sitwasyon malabong matukoy ng militar kung gaano katagal ang giyera.
Sa kasalukuyan ayon kay Año may one to two square kilometers pa sa Marawi City ang kinakailangan pang i-clear ng military.
Bawat gusali dapat na i-clear ay puno pa raw ng mga terorista.
Kaya naman mahirap sa panig ng tropa ng militar na magsabi kung kaylan matatapos ang giyera sa Marawi City.