Glaiza de Castro, dedma sa mga basher na tumatawag sa kaniyang malandi at sa kaniyang Irish boyfriend na demonyo

Dedma ang aktres na si Glaiza de Castro tungkol sa mga naninira sa kanya at sa kaniyang Irish boyfriend na si David Rainey.

Sa tweets kasi ng ilang bashers, tinatawag ng mga ito na isang virus at demonyo si David kung saan naglagay din ang mga ito ng salitang “kalandian” na naglalaman ng update tungkol sa YouTube account ng aktres.

Kaya payo ni Glaiza sa kanyang fans, huwag nang patulan ang mga paninira sa kanila.


Napag-alaman naman ng fans ng aktres na kaya pinuputakti ng batikos sina Glaiza at David ay dahil mas gusto ng ilang bashers ang onscreen team-up nina Glaiza at Rhian Ramos.

Facebook Comments