Glaiza De Castro, mananatili muna sa UK

Wala nang makapipigil sa aktress na si Glaiza De Castro sa pag-alis niya bago matapos ang Hunyo para mamalagi sa United Kingdom.

Matagal daw na mamalagi si Glaiza sa UK upang mag-aral ng isang short course tungkol sa music production and compositions.

Say ng aktress, posibleng aabutin siya ng tatlong buwan sa UK dahil sa kanyang short course.


Bagamat malayo sa pamilya, hindi naman daw siya malulungkot lalo na susunod sa kanya ang Irish boyfriend na si David Rainey.

Pero paglilinaw ni Glaiza, bibisitahin lang siya lalo na hindi sya pwedeng magtagal dahil mayroon siyang business na dapat balikan sa Ireland.

Facebook Comments