‘Glee’ star Naya Rivera, nawawala matapos umanong lumangoy sa lawa kasama ang anak

2381
(Naya Rivera Instagram)

CALIFORNIA, US – Kinatatatakutan ang maaaring pagkalunod ng ‘Glee’ actress na si Naya Rivera matapos itong maiulat na nawawala habang nagsi-swimming sa isang lawa kasama ang 4-anyos nitong anak.

Ayon sa CBS Los Angeles, patuloy na pinaghahanap ng mga opisyal ang 33-anyos na American actress matapos makitang nag-iisa sa bangka ang kanyang anak noong Miyerkules sa California Lake.


Nakita raw ng isang bangkero ang bata kung saan nito binanggit na lumalangoy sila ng ina noon ngunit hindi na umano ito nakabalik.

Base naman sa report ng Ventura County Sheriff’s Department officials, walang pinaghihinalaang foul play sa nangyari.

Bumuo na umano ng dive team ang pulisya para sa maisagawa ang search operation.

Samantala, naiulat na bago mangyari ang bonding ng mag-ina ay nagpost ng larawan si Rivera sa Instagram kasama ang anak na may caption na, “just the two of us.”

View this post on Instagram

just the two of us

A post shared by Naya Rivera (@nayarivera) on




Nakilala naman ang aktes sa kanya karakter na Santana Lopez sa comedy-drama series na “Glee”.

Facebook Comments