Pagiging naturalized player nina Ginebra import Justin Brownlee at Ateneo student-athlete Ange Kouame, pinag-aaralan pa ng SBP

62

Pinag-aaralan pa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na gawing candidate para sa naturalization sina Ginebra import Justin Brownlee at Ateneo student-athlete Ange Kouame para sa Gilas Pilipinas.

Ayon kay SBP Director of Operations Butch Antonio, wala pang panukalang naihahain sa Kongreso para sa naturalization ng mga naturang manlalaro.


Unang naging naturalized player ng Gilas Pilipinas si Andray Blatche noong 2014 at 2019 editions ng FIBA Basketball World Cup.

Facebook Comments