Aabot na sa halos sa 1.1 million ang bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19 sa buong mundo.
Ito ay mula sa Reuters tally kung saan pumalo na sa 39.7 million na mga indibidwal na tinamaan ng sakit sa buong daigdig.
Batay sa report, lumalabas na isa sa bawat limang namamatay dahil sa COVID-19 ay galing sa Amerika na siyang itinuturing bilang hardest-hit country na may 217,734 deaths mula sa 8,010,443 cases.
Sinundanan ito ng;
India: 7,370,468 cases at 112,161 deaths
Brazil: 5,169,386 cases at 152,460 deaths
Russia: 1,369,313 cases at 23,723 deaths
Argentina: 949,063 cases at 25,342 deaths
Nasa pang 20th puwesto naman ang Pilipinas na may kabuuang kaso na 351,750 at 6,531 deaths.
Sa ngayon ay nasa 210 na mga bansa na ang apektado ng virus na nagsimula sa China noong nakaraang taon.