Global Cebu FC dehado kontra Hougang United sa kanilang semifinal showdown sa 2017 Singapore Cup

Sports – Mahihirapan ang Global Cebu FC sa unang leg ng kanilang semifinal showdown kontra Hougang United mamayang gabi sa Jalan Besar Stadium.

Tatlo kasing beterano ng team, kasama na ang team captain na si Misagh Bahadoran, ang hindi makakapaglaro dahil sa mga injury.

May dislocated shoulder si Bahadoran habang parehong may iniinda sa tuhod sina Amani Aguinaldo at O-J Clariño.


Sa kabila nito, malaki ang paniniwala ni Global Cebu manager Josef Malinay na bibigyan ng mga Cebuano ng magandang laban ang Hougang United.

Ang Global Cebu ang tanging Pilipinong ball club na naiwan sa torneo.

Magtutuos ang Global Cebu FC at Hougang United ala siyete y media mamayang gabi.

Facebook Comments