Wag puro "Kamusta" na lang ginagamit mo

“Kamusta” iyan ang laging paunang salita natin sa mga biglaan nating nakita na ating mga kakilala sa daan, sa grocery, o kaya sa jeep. Pero bestfriend, gasgas na gasgas na ang pambungad na “kamusta” kaya naman habang kaya, iniiwasan natin yan. Dahil madalas wala lang naman tayong masabi kaya natin sinasabi ang salitang “kamusta” kahit wala naman tayong pakialam kung okay nga ba talaga siya.

Kaya naman heto ang ilang pwedeng pamalit sa salitang “kamusta” na hindi ka nagmumukhang plastic at busilak pa ang lalabas sa iyong mga labi kapag nakakita ka ng kakilala mo kahit saan.

1. Ibungad kaagad ang napansin na positibo sa kanyang pisikal na katauhan. “Uy! Gumaganda ka bestfriend ha!” “Uy! Pumayat ka na!” O kaya “Bakit parang tumangkad ka?” Dapat totoo ang sasabihin mo ayon sa nakikita mo sa kanya. Tandaan, positibo lang! Huwag ka nang dumagdag sa sakit na kanyang nararamdaman.


2. Tanungin ang kanyang ginagawa o gagawin. Halimbawang nakita mo siya sa jeep, bus, o minivan- “Mare, saan ka pupunta?” Nakita mo siya sa palengke “Bestfriend, anong lulutuin mo?” Tandaan, iba na ang updated.

3. “Nabalitaan ko…” Maganda ring pambungad ng usapan eh yung tunog may concern at talagang nakikibalita ka tungkol sa kanya. Halimbawa: “Nabalitaan ko, nag beach daw kayo riyan sa Lingayen nung nakaraan ah” Oh edi syempre mag e- explain yan para i confirm ang nabalitaan mo. Tandaan, mas maganda nang sigurado ka sa kuwento.

4. “Bestfriend! Namiss kita!” Kung namiss mo nga siya talaga. O di kaya naman sabihin mo kung ano ang namiss mo sa kanya, be specific. “Bestfriend, namiss ko na pigar-pigar mo!” O kaya “Pare, namiss ko na yakap mo, payakap naman” Tandaan, sa ganitong paraan malalaman niya na naapreciate mo pala ang kanyang mga little things.

5. Matuwa na nakita mo si long time no see bestfriend! “Mabuti nakasalubong kita rito sa bilihan ng puto.” Mga ganyang linyahan, “Nakakatuwa naman, isa lang tayo ng bus na nasakyan!” Iparamdam sa kanya na sa lahat ng coincidence, ang makita siya ang pinaka masaya. Tandaan, lahat ng nangyayari may rason.

Photo credited to Google Images

Facebook Comments