Lumobo na sa mahigit 4.7 milyon ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa pinakahuling tala, aabot na sa 4,720,476 ang kaso ng nakakahawang sakit kung saan pinakamataas ay naitala sa Estados Unidos na may 1,507,773.
Sinundan ito ng Spain na may 276,505 cases; Russia, 272,043 at United Kingdom na may 240,161 COVID-19 cases.
Samantala, pumalo na sa 313,221 ang bilang ng nasawi habang 1,811,675 ang gumaling.
Facebook Comments