Global COVID-19 death toll, posibleng dumoble sa dalawang milyon – WHO

Posibleng dumoble sa dalawang milyon ang global COVID-19 death toll bago matapos ang pagpapakalat sa bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Adhanom, aabot na sa isang milyon ang bilang ng mga namatay sa nakalipas na siyam na buwan mula ng madiskubre sa China ang Novel Coronavirus.

Nabatid na ang mga kabataan ang sinisisi sa pagtaas ng impeksiyon sa kabila ng paghihigpit at pagsasailalim ng lockdown sa iba’t ibang lugar sa mga bansa.


Sa ngayon ay patuloy na nakikipag-ugnayan ang WHO sa China kaugnay sa mabilis na pagbalanse ng COVID-19 vaccine at iba pang treatment para labanan ang Coronavirus Disease.

Facebook Comments