Global Death Toll dahil sa COVID-19, umakyat na sa 16,558

116

Umakyat na sa 16,558 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa buong mundo.

Pinakamaraming nasawi ay mula sa Italy sa nasa 6,077, sinusundan ng China na may 3, 277 at Spain na may 2,311.


Pumalo naman sa 381,649 ang mga nagpositibo sa sakit.

Narito ang mga bansang may malaking bilang ng mga infected ng COVID-19:

China – 81,171

Italy – 63,927

USA – 46,145


Spain – 35,136

Germany – 29,056

Iran – 23,049

France – 19,856

Korea – 9,037

Switzerland – 8,795

UK – 6,650

Ang 250,600 o 95% sa mga nagpositibo ay mayroong mild condition, habang 12,062 o 5% ang serious o critical ang kondisyon.

Habang ang mga naka-recover naman ay nasa 102,429 sa buong mundo.

Facebook Comments