Global Death Toll ng COVID-19, sumampa na sa halos 4,000 na

62

Umakyat na sa 3,827 ang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa Coronavirus disease COVID-19.

Sa nasabing bilang, 3,119 ang naitalang nasawi sa China habang ang 708 ay mula sa 104 na mga bansang apektado ng sakit.

Sa China, nakapagtala na ng 80,734 na kaso ng COVID-19.


Pumapangalawa na sa may pinakamaraming kaso ang Italy na mayroong 7,375 at ikatlo ang South Korea na mayroong 7,313 na kaso.

Habang umabot na sa 6,566 ang tinamaan ng COVID-19 sa Iran.

Facebook Comments