Global oil demand sa produktong petrolyo, posibleng bumaba sa susunod na quarter ng taon

Posibleng bumaba ang demand sa produktong petrolyo sa susunod na quarter ng taon batay sa pagtataya ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) at International Energy Agency (IEA).

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Energy Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Atty. Rino Abad na nagkakaroon na ng pangamba sa pagbaba ng global oil demand dahil nagsisimula nang umepekto ang mga sanction na ipinataw sa Russia.

Ito aniya ang dahilan kung bakit biglang nagkaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo.


Dagdag pa ni Abad na binabantayan nila ang nakabibing proposal ng European Commission na i-ban ang Russian oil export dahil makakaapekto ang resulta nito sa presyo ng produktong petrolyo.

Facebook Comments