Global potato shortage, kinumpirma ng DA

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na mayroong global shortage sa patatas o imported na patatas na ginagamit sa paggawa ng french fries.

Ayon kay DA Usec. Kristine Evangelista, mas nararamdaman ito ng mga fast food chains dahil sa kakulangan ng mga chipping potatoes na inaangkat din ng bansa.

Dahil dito, nilimitahan ng ilang fast-food chains ang pagbenta ng french fries at ilang restaurants na rin ang tumigil sa pagbebenta nito.


Samantala, sinabi naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na ilang magsasaka ang tumigil na rin sa pagtatanim nito na isa ring rason ng mababang suplay ng locally-produced potatoes at bahagyang pagtaas sa presyo ng patatas.

Facebook Comments