Manila, Philippines – Katuwang ang Department of Education, nakikipagtulungan ngayong ang Globe Telecom sa mga renowned teaching innovators para sa kick off ng training workshops ng mga public school teachers sa bansa.
Pinili ng Globe ang mga akademyang “Mano Amiga,” “Habi Education Lab” at “Affordable Private Education Center (APEC) Schools” dahil sa husay, makabago at malikhaing pamamaraan ng mga ito sa pagtuturo.
Laman ng “Teacher Training Workshop on 21st Century Learning” ang Global Filipino Schools (GFS) Program kung saan ituturo sa mga guro kung paano nila mapapalawak ang paggamit ng teknolohiya kahit nasa loob lamang sila ng paaralan.
Ayon kay Globe Senior Vice President For Corporate Communications Yoly Crisanto – bilang bahagi ng UN sustainable development goal no. 4, makakatulong ang Global Filipino Schools (GFS) program para makamit ang hangaring na mas lalo pang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Target ng workshops ang 120 guro sa ibat ibang probinsya sa Luzon, Visayas at Mindanao kung saan sisimulan ito sa Globe Telecom Training Area sa Bonifacio Global City sa Taguig City at magpapatuloy hanggang taong 2020.
DZXL558