Isang café restaurant sa South Korea, dinadayo dahil sa kakaiba nitong serbisyo

South Korea – Isang café chain ang dinadayo ngayon kumpara sa ibang café restaurant dahil sa kakaiba nitong serbisyo.

Nabatid kasi na madalas nagpupunta sa mga café ang mga tao para magkaroon ng energy at hindi makatulog dahil sa kakaibang aroma ng kanilang kape.

Pero, ibahin niyo ang “Mr. Healing” Café dahil ang mga kutomers dito ay napu-fully relax at ang iba pa dito ay nakakatulog.


Mayroong itong kwarto na kung saan may dalawang massage chair na talaga naman mawawala ang pagod mo at pwede ka din ditong makatulog.

Aabot lamang sa $3.5 (P173.00) ang 20-minute session, $7.00 (P346.00) ang kalahating oras at nasa $9.00 (P445.00) naman ang 50-minute session na kasama na ang anumang inumin na nais mong orderin.
DZXL558

Facebook Comments