Globe at Security Bank,sanib-puwersa para palakasin ang cybersecurity initiatives

Lumagda ang nangungunang digital solutions platform Globe at ang top universal bank Security Bank sa isang Memorandum of Understanding na naglalayong palakasin pa ang cybersecurity initiatives para tugunan ang dumarami at lumalalang financial crimes sa bansa.

Layon ng kasunduan na paigtimgin ang pinagsanib na kakayahan ng Globe at Security Bank na labanan ang financial crime at  identity theft at magtulungan sa fraud investigations, bilang pagtalima sa mga umiiral na batas, tuntunin at regulasyon kapwa ng National Privacy Commission (NPC) at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang two-year agreement ay magbibigay-daan sa  Globe, isa sa pinakamalaking telecommunications companies sa bansa, at Security Bank, isa sa pinakamahusay na capitalized private domestic universal banks sa bansa, na magbahagi ng datos para sa fraud prevention at investigation.


“Partnering with banks and financial institutions has greatly enhanced our fraud prevention, detection, and investigation efforts, leading to better customer protection. In the first half of the year, we have seen a dramatic 46% year-on-year decline in the volume of bank-related scam and spam messages blocked in our network, indicating that our efforts are making headway,” sabi ni Atty. Irish Salandanan-Almeida, Globe Chief Privacy Officer.

“We are proud and excited to have Security Bank as our latest partner in our continuing fight against online fraud. As our network of partners grows bigger, we are able to stop more fraud attempts and expand our protection to more customers,” dagdag pa niya.

“An integral part of the BetterBanking promise we make to our customers is the safety and security of their personal and financial information when transacting. This holds especially true now given current fraud trends and increased adoption of digital payment channels,” pahayag naman ni Albert dela Cruz, Chief Information Security Officer at Security Bank.

“Our partnership with Globe will help us secure the data of our clients and ensure they enjoy seamless, safe, and smooth digital payment experiences. This is one of our main initiatives towards driving the bank to be the most customer-centric bank in the Philippines,” sabi pa ni Dela Cruz.

Ang pagsisiwalat ng personal information para sa fraud investigation ay pinapayagan sa ilalim ng Section 12 (f) ng Data Privacy Act, per NPC Advisory Opinion No. 2021-026. Gayundin, pinapayuhan ng BSP Memorandum No. M-2021-059 ang BSP Supervised Financial Institutions na makipagtulungan at magbahagi ng mahalagang impormasyon.

Ang Globe ay nakikipagtulungan sa lahat ng major commercial banks at online retailers para magkaloob ng direct at round-the-clock communication channel upang i-report ang anumang malicious o fraudulent activities para sa kagyat na imbestigasyon at pagharang.

Noong Agosto ng nakaraang taon, ang Globe ay lumagda ng kasunduan sa Bankers Association of the Philippines (BAP) upang bumuo ng framework of cooperation para sa pagbabahagi ng  data at intelligence para sa fraud prevention at investigation.

Layon ng kasunduan sa organisasyon na may 45 major banks members, na tugunan ang dumarami at lumalalang financial crimes, identity theft, phishing, spam messages at iba pang uri ng panlololo na labis na nakaaapekto sa Filipino consumers.

Noong nakaraang Marso ay lumagda rin ang Globe sa hiwalay na kasunduan sa Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) at consumer finance firm Home Credit bilang bahagi ng kanilang commitment na labanan ang spam at  scams.

Facebook Comments