Nagbabala ang nangungunang digital solutions platform Globe laban sa dumaraming spam at scam messages gamit ang over-the-top (OTT) media services, na labas sa saklaw ng telco filters.
Bagama’t nabawasan na ang scam messages magmula nang ipatupad ang SIM Registration Act, ang mga fraudster ay patuloy na naghahanap ng mga bagong paraan para targetin ang phishing victims, sinasamantala ang sikat na OTT platforms tulad ng chat apps para makaiwas sa telco filters. Ang mga fraudster na ito ay ginagamit kapwa ang overseas at local numbers at karamihan ay lumilitaw na business accounts na may attractive profile photos para makapanlinlang ng mga tao.
Sa kanilang pinakahuling modus operandi, ginagamit ng cybercriminals ang full name ng target at nagkukunwaring nagpapadala ng mensahe sa ‘missed connection’ o nag-aalok ng kung ano-ano.
Ang kanilang istratehiya ay ang lumikha ng ‘sense of familiarity and trust’ sa pagtatangkang makapagsimula ng conversation.
Ayon kay Anton Bonifacio, Chief Information Security Officer at Globe, sinasamantala ng mga scammer na ito ang dumaraming lumilipat sa digital lifestyle at pinayuhan ang mga consumer na higit na maging proactive.
“Embracing the digital world comes with its own set of risks, so we must remain vigilant in safeguarding our online presence. As technology advances, so do the tactics of fraudsters and scammers. The best way to combat this is to never engage with these messages and to block such senders immediately,” aniya.
Dahil ang OTT messages ay hindi na saklaw ng telcos, binigyang-diin ni Bonifacio na ang kamalayan ay nananatiling first line of defense ng mga customer.
“By staying informed and adopting personal security measures, we can navigate the digital landscape with confidence and protect ourselves from evolving cyber threats,” dagdag pa niya.
Samantala, patuloy na hinaharang ng Globe ang unwanted SMS, kabilang ang app-to-person at person-to-person text messages mula sa international at domestic sources, sa pamamagitan ng 24/7 Security Operations Center.
Naharang na ng kompanya ang halos 1.1 billion scam at spam messages sa first quarter ng taon, isang five-fold jump mula sa 217.31 million unwanted at unsolicited messages na na-block sa kaparehong quarter noong nakaraang taon.
Bukod dito, ang bilang ng blacklisted SIMs mula sa Stop Spam portal ng Globe ay tumaas sa 22,455 sa first quarter ng 2023, mula sa 1,812 sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Dine-activate din nito ang 647 SIMs, 610 dito ay sangkot sa pagpapadala ng scam o fraud messages, habang ang nalalabing 37 ay ginamit sa pagpapadala ng spam messages.
Ang bilang ng scam at spam messages na naharang ng Globe ay dumoble sa record 2.72 billion noong nakaraang taon mula 1.15 billion noong 2021 sa gitna ng pinaigting na kampanya nito laban sa fraudsters at scammers. Gayundin ay dine-activate nito ang 20,225 SIMs, habang 35,333 SIMs ang na-blacklist.
Para makatulong na matigil ang paglaganap ng naturang illegal activities, iginiit ng Globe ang panawagan nito sa mga customer na iparehistro ang kanilang SIMs bago ang July 25 extended deadline.