Manila, Philippines – Lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang Globe Telecom at Makati Local Government Unit sa paglulunsad ng Makatizen Card.
Sa pamamagitan nito – magiging high tech na ang mga transaksyon sa Makati City kung saan maaring magamit ito ng may 500,000 residente.
Sa pamamagitan ng Makatizen Card – direkta nang matatanggap ang sweldo ng mga empleyado ng city hall at cash allowance.
Bukod dito – maari din itong gamitin sa pagbabayad ng buwis at iba pang bayarin kabilang na ang personal remittance.
Mayroon ding G-Cash feature ang Makatizen Card na maaaring gamitin pambayad sa mga government institution, ospital at tindahan sa Makati na nagpa-facilitate ng mga cash less transactions.
Sa pakikipagtulungan ng Globe Telecom, ang subsidiary nitong xchange inc., at ibayad online ventures inc., – may 1,000 functioning sample card na ang naipamahagi sa lungsod.
Kabilang sa mga dumalo sa moa signing sina Globe President at CEO Ernest Cu, Gxi President Abet Tinio, Ibayad CEO Paulo Saycon, Makati City Mayor Abby Binay, Vice Mayor Monique Lagdameo at iba pang opisyal ng globe.