Pope Francis – kinondena ang pagbobomba sa Kabul, Afghanistan

World – Tinawag na “Brutal Act of Violence” ni Pope Francis ang naganap na pambobomba sa kabul afghanistan.

Sa mensaheng ipinadala ni Pope Francis sa pamamagitan ng Vatican Secretary of State, Cardinal Pietro Parolin, agad nitong ipinaabot ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.

Nanawagan din ito sa mga mananampalataya na ipagpatuloy ang pagdarasal sa mga biktima, gayundin ang kapayapaan sa lugar.


Matatandaan, umabot sa 90 ang namatay habang 400 ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa Kabul.

* DZXL558*

Facebook Comments