Manila, Philippines – Lumagda ang Globe Telecom at Union Bank of the Philippines ng isang Memorandum of Agreement kaugnay sa proyektong 1 phone (P1P) e-waste recycling program.
Ang contract signing ay pinangunahan ni Union Bank first Vice President Montano dimapilis kung saan itinurn over ang nasa 11,223.45 kilograms ng ibat ibang electronic waste mula sa kanilang main office sa Metro Manila at mga branches nationwide.
Ang P1P campaign ay una nang inumpisahan ng globe business kung saan hinihikayat nila ang kanilang mga kliyente na i-donate na lamang ang mga sira at hindi na gumagawang electronics gadgets tulad ng telephono, tablets, chargers, accessories, printers, cartridges at personal computers.
Sa ilalim ng kasunduan, ibibigay lahat ng union bank ang kanilang mga sira electronics gadgets sa globe upang ipaayos sa kanilang partner na Total Environment Solutions Asset Material Management (TES-AMM) Philippines upang ipagawa at magamit muli.
Lahat ng maaayos na gadgets ay mapupunta sa programa Globe Telecom na 21st-century learning para sa mga estudyante at guro sa ilalim ng global Filipino schools program.
Nagpasalamat naman si Globe Vice President for enterprise Sales Dion Asencio sa pakiki-isa ng Union Bank.
Ayon kay Asencio – nakakadagdag sa global warming ang hindi tamang pagtatapon ng e-waste, kaya ang globe business ay nanguna sa paghihikayat sa mga kompanya na makilahok sa P1P upang maipaliit ang impact nito sa ating kapaligiran.
DZXL558