Search and retrieval operations sa bangkay ni Bohol Mayor Gisela Boniel, patuloy na isinasagawa

Manila, Philippines – Patuloy na nagsagsagawa ng search and retrieval operations ang pulisya para mahanap ang bangkay ni Bohol Mayor Gisela Boniel sa dagat ng Punta EngaƱo matapos ito pagbabarilin ng mga suspek sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
Ayon kay Sr. Supt. Jonathan Cabal, hepe ng Regional Intelligence Division of the Central Visayas Police Regional Office, nakatanggap sila ng ulat na itinapon ang katawan ng alkalde sa lugar.

Inaaresto naman sina Bohol Board Member NiƱo Rey Boniel, asawa ng alkalde, pinsan nitong si Kevin,at ang driver na si Randel Lucas na positibong itinuro ng isa pa nilang kinindap na babae na kasama ng nasabing mayor.
Itinanggi naman ng asawa ng mayor ang pagkakadawit sa krimen at ipinaubaya na ito sa kanyang abogado.
Paliwanag naman ni Cabal, posibleng anggulo ng insidente ay ang hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa sa usapin sa kanilang annulment gayundin ang inutang ng biktima na relo na aabot sa P2.5 milyoung piso.
Pansamantala naman nakakulong ngayon ang mga suspek sa central Visayas police headquarters.

DZXL558


Facebook Comments