Globe Telecom, tiniyak na pagbubutihin ang kanilang serbisyo

Pagbubutihin pa ng Globe Telecom ang kanilang serbisyo kasunod ng bantang ipapa-shut down sila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa statement, sinabi ng Globe na umabot sa $1.2 billion ang kanilang capital spending ngayong taon para pondohan ang kanilang network at palakasin pa ang kanilang kapasidad.

Nag-iinvest sila ng bilyun-bilyong dolyar para i-upgrade ang kanilang network dahil sa service performance at tumataas na consumer demand para sa data.


Nakatakda na rin nilang ilunsad ang fifth generation o 5G services sa bansa.

Pero aminado ang Globe na malaking hamon pa rin ang pagkuha ng permit sa pagtatayo ng cellular cites para mapalakas ang kanilang signal.

Sa kabila nito, kumpiyansa sila na ang common tower policy ng pamahalaan ay makakatulong para mapabilis ang pagtatayo ng telco towers para mapalakas ang connectivity sa bansa at makapagbigay ng internet services sa bawat Pilipino.

Facebook Comments