Mga sugatang dolphin, nailigtas sa baybayin ng Samar

179

Dalawang dolphin ang nailigtas sa baybaying sakop ng Barangay Botaera, sa Zumarraga, Samar noong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Pedgie Rojo Hernando, may posibilidad na naabutan ng lowtide ang mga hayop kaya nahirapan itong makabalik sa pinakamalalim na bahagi ng karagatan.

Nagtamo rin ito ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan, batay sa nakita ng mga residente.


Sa kuha ni Hernando, makikitang nagtutulungan ang mga tao para maalalayan ng mabuti ang dalawang stranded na dolphin.

Kaagad naman silang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad at pagsapit ng hapon ay pinakawalan ang aquatic mammals upang makalungoy patungo sa kanilang natural habitat.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ukol hinggil sa insidente.



Facebook Comments