Manila, Philippines – Isang kakaibang palaka ang nadiskubre sa Argentina.
Sa unang tingin kasi ay aakalaing pangkaraniwan lang ito pero kapag dumilim na, makikitang nagliliwanag ang katawan ng palaka.
Ayon sa pag-aaral, nagtataglay ang katawan ng palaka ng kemikal na sumisipsip sa liwanag na tumatama sa balat nito kaya siya nagmimistulang “glow-in-the-dark’’.
May mga uri ng isda na nagtataglay ng katulad na kakayahan pero ngayon lang nadiskubreng na may isang hayop na nakatira sa lupa ang kayang gawin ito.
Nabatid na mga scientist mula sa Argentina at Brazil ang nakadiskubre sa palaka at naniniwala silang ang pagliliwanag ng balat ng palaka ay paraan nito ng pakikipag-usap sa mga kauri niya.
Umaasa rin ang mga ito na makakahanap pa sila ng iba pang palaka na katulad nito sa kagubatan ng Amazon sa Brazil.
Facebook Comments